congratulations graduates

Share these post to others

Masayang pag-bati para sa lahat ng nagsisipag-tapos ngayong taon.

Una, Congratulations to all graduates na nabiyayaan ng kaka-ibang talino. Kahit marami kayong extra-curicular activities, na kahit umabsent pa kayo ng isang lingo sa klase, sa inyong pag-pasok ay nangunguna pa rin pag-sagot sa mga quizes at exam.

Kahit parang hindi kayo nakikinig sa teacher, kayo pa rin ang naka-sasagot sa mga recitation.

Dahil sa inyong mga angkin na talino at sipag sa pag-aaral, you graduated with honors at mayroon kayong medalya.

Nawa, ang medalya na nai-parangal sa inyo ay maging inspirasyon upang lalo kayong mag-sumikap, to strive more for excellence ika nga, so you can help more those who are in need.

Because to those who have been given much, much will be required.

Pangalawa, dalawang ulit na CONGRATULATIONS para doon sa mga graduate na hindi nabiyayaan ng kaka-ibang talino pero masipag mag-aral at masikap.

Ikaw na nag-sikap na hindi umabsent dahil isang araw na absent ay alam mo nang mahihirapan ka na makahabol sa aralin.

Ikaw na halos inuubos mo ang oras sa pag-aaral, nag-me-me-morize ng mga aralin, na-memorize mo naman pero kapag tinanong ng teacher ay naka-sagot ng kaunti, ngunit hindi pa rin perfect ang sagot kahit ginawa mo na ang lahat. Sa huli nag-iisip ka at kinakabahan kung tama ba ang iyong naisagot sa tanong.

Kahit walang medal, maging masaya ka na at ilagay sa puso, sa isipan mo ay isigaw, “Yes graduate na rin ako!”.

Ituloy mo ang iyong pag-sisikap, huwag mong tingnan ng negatibo ang advantage ng iba, sa halip dagdagan mo pa ang sipag at pag-ti-tiyaga, sa bandang huli ay may tagumpay na makakamit.

Pangatlo. Three times the CONGRATULATIONS naman para sa mga graduate na maituturing na himala ng Diyos ang pag-tatapos. Ikaw na kinakabahan palagi sa tuwing sasapit ang exam, dahil hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pambayad sa installment mong tuition.

Ikaw na hindi rin nabiyayaan ng kaka-ibang talino, katulad ni Valedictorian o ni Suma at Magna pero nag-aral naman na mabuti dahil ikaw ang inaasahan ng iyong magulang na makapag-tapos. No choice di ba?

Ikaw na hindi na nagme-meryenda dahil tinitipid mo ang pamasahe para bukas. Ikaw na nagbabaon ng pagkain para mas makatipid, tiis-gutom. Ikaw na laging pagod sa group project dahil walang pang-contribute kaya ikaw na lamang ng gumagawa ng lahat.

Ikaw na sawang-sawa na isinusuot mo araw-araw dahil wala kang choice at iyon lang ang iyong mga damit.

Ikaw na umaasa palagi sa unli surf dahil wala kang internet connection na mas maayos para magamit sa research.

Ikaw na palaging overtime sa computer lab sa pag-gawa ng assignment dahil wala kang sariling laptop at kulang ang pang-rent sa computer shop.

Matuwa ka din dahil sa kabi-kabila mong kakulangan sa materyal na bagay ay nakuha mo pa ring makapag-tapos. Alam mo bang marami ang hindi nakapag-tapos nga kolehiyo dahil marami silang baon noong sila ay estudyante pa, gala doon, gala dito, ang resulta – absent sa klase.

Hindi katulad mo na walang pang-gastos, wala kang choice kundi mag-aral at gumawa ng mga assignment o mag-stay sa library para mag-basa at mag-intay ng susunod na klase.

Pang-apat at higit sa lahat, unlimited na CONGRATULATIONS sa mga magulang, kapatid, ate, kuya, tiyo, tiya, lolo, lola at sa lahat ng sumuporta sa mga nagsipag-tapos na kabataan. Maraming maraming maraming salamat po sa inyo. Dahil kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kayong mga naka-tatanda ang pag-asa ng kabataan.

Para sa lahat ng mga nagsipag-tapos ngayong taon, huwag mong kalilimutan ang mga tao na nag-sakripisyo upang marating mo ang iyong kasalukuyang kalagayan.

Mga tao na nag-tulak at sumuporta sa mga ginawa mo bilang estudyante. Sila na naghanap-buhay o naghanap ng pang-tustos sa iyong pag-aaral.

Sila na naging gabay mo at nag-turo upang makatapos ka sa kurso na kinuha mo.

Sila na nalungkot kapag hindi ka nag-perform ng maayos sa iyong mga grades. Sila na naiinis kapag hindi ka sumusunod sa kanilang mga payo.

Pero sila rin ang unang sumasaya kapag ikaw ay nakakatamo ng tagumpay katulad ngayong graduate ka na.

Hindi ba tama lamang na kahit papaano ay ipa-abot mo ang iyong taos-pusong pasasalamat?


Share these post to others


Your feedback is important to me, leave a reply :